WAR ON DRUGS | Bilang ng namamatay sa war on drugs ng pamahalaan, umabot na sa halos 5,000

Umakyat na sa apat na libo syam na raan syamnaput syam na mga drug suspect ang napatay sa nagpapatuloy na war on drugs ng gobyerno.

Ito ay batay sa isinagawang update ng Philippine National Police (PNP), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Presidential Communication Operations Office (PCOO).

Sa kanilang ulat sa pamamagitan ng #realnumbersPH year 2 ang bilang na ito ay naitala mula July 1,2016 hanggang October 31, 2018.


Umabot naman sa 16,584 na mga drug suspect ang naaresto sa kaparehong panahon.

Maliban sa mga napatay at mga naarestong drug suspek ay umabot na rin sa 600 na mga Government employees, elected officials at uniformed personnel ang naaresto.

278 rito ay mga empleyado ng gobyerno, 257 na mga elected officials at 65 mga uniformed personnel.

Tiniyak naman ng PDEA at PNP na magpapatuloy ang kanilang operasyon kontra droga upang tuluyang malinis ang bansa sa iligal na droga.

Facebook Comments