Manila, Philippines – Hindi na maibabalik pa ang 900 million pesos na budget ng Philippine National Police (PNP) sa war on drugs partikular sa oplan double barrel.
Ayon kay Senator Panfilo Ping Lacson, ito ay sa oras na makapasa na sa bicameral conference committee at maratipikahan na ng mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso ang 2018 national budget.
Sa ngayon ay nasa period of amendments pa sa senado ang proposed 2018 budget at kailangan muna nitong makalusot sa 3rd and final reading bago sumalang sa bicam.
Ang pahayag ay ginawa ni Lacson sa harap ng plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik sa PNP ang implmentasyon ng kampanya laban sa ilegal na droga.
Ang 900-million budget ng PNP para sa war on drugs ay nire-align o nilipat sa iba ng mga senador makaraang ipataw ni pangulong Duterte sa balikat ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang pagpapatupad ng war on drugs.