WAR ON DRUGS | CHR, may duda sa inilabas na year-end report ng Malacañan

Manila, Philippines – Duda ang Commission on Human Rights (CHR) sa inilabas na report ng Malacañan na apat na libo lang ang namatay sa mga anti-drug operation ng pamahalaan.

Ayon kay CHR spokesperson Atty. Jacqueline De Guia, marami sa mga namatay sa mga operasyon sa war on drugs ang hindi isinama sa bilang ng pamahalaan.

Umaasa naman ang CHR na muli nilang mapag-uusapan ng Philippine National Police ang pagbuo ng task force na bubusisi kung sino ang may kagagawan ng mga pagpatay.


Pero giit ni Presidential Spokesperson Harry Roque, dapat ay maging independent ang CHR.

Facebook Comments