Manila, Philippines – Tinawag na nakakalungkot ng Commission on Human Rights (CHR) ang banta ni Pangulong Rodrigo na mas magiging mahigpit at mabagsik ang susunod na kampanya ng gobyerno laban sa illegal drugs .
Ayon kay CHR Spokesperson Jacqueline De Guia, hindi ito isang magandang pangitain lalo pa at nakikiisa ngayon ang buong bansa sa pag-obserba sa National Human Rights Consciousness Week at sa selebrasyon ng 70th year ng Universal Declaration on Human Rights.
Aniya, nababahala ang ahensya dahil ginawa ang anunsyo sa harap ng may marami pa rin na mga hindi nareresolbang kaso ng mga pagpatay kaugnay ng war on drugs .
Hinikayat ni De Guia ang administrasyong Duterte na magpakita ng kongkretong aksyon na may pananaig ng batas sa bansa.
Kung tunay aniya na pinapahalagahan ng Pangulo ang kasagraduhan ng buhay, dapat aniya na magsimula ito sa pagkilala sa karapatang pantao ng sinuman.