WAR ON DRUGS | Dalawang major human rights concern sa Pilipinas, inilabas ng Estados Unidos

Amerika – Inilabas ng 2017 country report ng human rights practices sa Amerika ang dalawang pangunahing human rights concern sa Pilipinas.

Ito ay ang mga pagpatay na inuugnay sa kampaniya kontra sa ilegal na droga at ang police impunity o kawalan ng pananagutan sa mga pagpatay.

Tinukoy sa report ang Extra Judicial Killing (EJK) noong nakaraang taon at ang pagtaas ng bilang nito mula nang magsimula ang war on drugs ng Duterte Administration noong 2016.


Nakapaloob pa sa report ang ilang human rights abuses kabilang ang pag-abuso ng mga militar, mga rebelde at mga terosistang grupo.

Ipinakita rin sa report ang pag-kaalarma ng Estados Unidos sa war on drugs at sa iba pang isyu sa Pilipinas.

Facebook Comments