Manila, Philippines – Sa kulungan nagdiwang ng Chinese New Year ang isang lalaking Filipino-Chinese matapos maaresto sa buy-bust operation sa Katigbak Street sa Maynila.
Kinilala ang suspek na si Rodel Ng, 27-anyos.
Ayon sa pulisya – isang confidential informant ang nagsumbong sa kanila tungkol sa pagtutulak ng iligal na droga ni Ng.
Nasabat mula kay Ng ang apat na sachet ng shabu at P30,000 cash.
Aminado naman ang suspek na gumagamit siya ng shabu at dala lang din ng pangangailangan kaya siya nagbebenta ng droga.
Facebook Comments