WAR ON DRUGS | Gwardiya, nakuhanan ng P130 libo na halaga ng shabu sa Cagayan De Oro

Cagayan De Oro – Umabot sa P130 libong halaga ng shabu ang nakumpiska ng kapulisan sa Cagayan De Oro mula sa isang gwardiya sa isinagawang drug buy bust operation.

Ang suspek ay ang 27-anyos na gwardiya na si Rod Christian Cabahog na taga-Barra, Barangay Macabalan.

Nakuha mula sa guwardiya ang dalawang sachet ng shabu at buy bust money.


Napag-alaman na gumamit ng budol money ang kapulisan dahil sa laki ng transaksiyon.

Isinagawa naman ng kapulisan ang operasyon sa westbound terminal, Barangay Bulua kahapon.

Facebook Comments