Manila, Philippines – Nakatutok na ngayon ang Philippine National Police (PNP) partikular ang kanilang anti-narcotics operatives sa 893 high value targets na sangkot sa illegal drugs trade.
Ayon kay PNP Chief, Director General Oscar Albayalde, ito ang dahilan kung bakit nabawasan ang bilang ng mga napapatay na suspected drug pushers at users.
Mula sa kadalasang 105 suspects bawat linggo ay bumaba na lamang sa 23 kada linggo.
Aniya, bahagi pa rin ito ng recalibrated war on drugs kung saan ang anti-drug police forces ay inatasang habulin ang key players ng illegal drugs trade.
Nabatid na aabot sa 4,000 suspected drug pushers at users ang napatay sa police operations mula nang ilunsad ang drug war noong Hulyo 2016.
Facebook Comments