WAR ON DRUGS | Higit 1 libong drug suspects, naaresto ng PNP sa loob ng isang buwan

Manila, Philippines – Sa pinakahuling datos ng Philippine National Police (PNP) , mula December 5, 2017 hanggang January 4, 2018, nagsagawa ng 708 anti-illegal drug operation ang Philippine National Police.

Sa isang buwang operasyon na ito, nasa 1,096 na drug suspect ang naaresto ng PNP.

Siyam naman ang isinagawa nilang Tokhang Operations, habang nasa sampu naman ang mga dawit sa iligal na droga ang napasuko ng pulisya.


Facebook Comments