WAR ON DRUGS | Higit 16,300 kaso ng homicide, hindi pa rin nareresolba

Manila, Philippines – Umaabot pa rin sa higit 16,300 ‘homicides under investigation’ ang hindi pa ring nareresolba ng pulisya kahit papatapos na ang taong 2017.

Ang mga nasabing kaso ay itinuturing ng mga kritiko ng administrasyon bilang mga kaso ng extrajudicial killings.

Ang datos ay batay sa inilabas na year-end report ng Malacañang sa ilalim ng #realnumbers campaign mula July 01, 2016 hanggang September 30, 2017.


Sa halos 80,000 anti-drug operations ay halos 4,000 drug personalities ang napatay.

1.3 million drug addicts na ang sumuko mula pa noong July 26, 2017 habang nakapag-aresto sila ng higit 118,000 mula pa nitong November 27, 2017.

Nakarekober naman ng 18.92 billion pesos na halaga ng ilegal na droga.

Aabot naman sa 16,000 drug dependents ang sumasailalim sa rehabilitasyon habang nasa higit 2,200 indibidwal ang nagtapos sa programa.

Mayroon namang 14,406 drug surrenders ang nakatanggap ng livelihood and skills training mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) mula pa nitong Setyembre.

Ang katagang: ‘homicides under investigation’ ay dating tinatawag na ‘deaths under investigation’ o yung mga naitatalang patay sa ilalim ng war on drugs pero hindi sakop ng lehitimong operasyon ng mga pulis.

Nalikom ang mga datos mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Customs (BOC).

Facebook Comments