War on drugs, hindi lang dapat isisi kay former PRRD dahil pinuri at pinondohan din ito ng Kongreso

Idinamay ni Davao del Norte 1st District Rep. Pantaleon Alvarez ang mga mambabatas at buong Kongreso sa dapat buntunan ng sisi ng mga kritisismong ibinabato ngayon sa war on drugs na ipinatupad ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Giit ni Alvarez, kung guilty si former President Duterte ay guilty rin ang Kongreso dahil hindi naman mangyayari ang war on drugs kung hindi ito suportado ng taong bayan at pinayagan ng Kongreso noong 17th at 18th Congress.

Diin ni Alvarez, nababalot ng mga hipokrito at kaduwagan ang mga mambabatas na nakatayo at pumapalapak tuwing binabanggit ni dating Pangulong Duterte ang war on drugs sa kanyang State of the Nation Address pero ngayon ay kabahagi na sila ng House Quad Committee.


Punto ni Alvarez, ang Kongreso ang nagpalakas at nagbigay ng pondo sa Philippine National Police (PNP) at iba pang kaukulang ahensya para maipatupad ang war on drugs kaya hindi lang si Duterte ang dapat pagdiskitahan kung may mga operasyon hinggil dito na naging madugo.

Facebook Comments