Nanindigan ang Malacañang na hindi palpak ang kampanya ng Administrasyong Duterte laban sa ilegal na droga.
Ito ang pahayag ng Palasyo matapos sabihin ni Senator Panfilo Lacson na bigo ang gobyerno sa giyera kontra droga dahil laganap pa rin ito sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, dahil sa drug war ay maraming barangay ang naideklarang malaya mula sa droga.
May sapat pang panahon ang pamahalaan para malinis ang bansa mula sa ilegal na droga.
Batay sa #RealNumbersPH ng pamahalaan, mula sa 42,045 na barangay sa bansa, nasa 21,037 ang drug free mula nitong January 31, 2021.
Sa datos naman ng Philippine National Police (PNP) nitong January 30, 2021, aabot sa 6,039 drug personalities ang napatay sa operasyon.
Facebook Comments