WAR ON DRUGS | Impormasyong hawak ng US at EU, makabubuting ituwid ng Palasyo

Manila, Philippines – Hindi na ikinagulat ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang muling pagpuna ng Amerika at European union o EU parliament sa mga kaso ng patayan sa Pilipinas kaugnay sa war on drugs.

Ayon kay Recto, tayo ay bahagi ng global community at hindi maikakaila na umaabot na sa libu-libo ang namamatay sa bansa.

Pero giit ni Recto, malinaw na suportado ng publiko ang istilo ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte at ang gera laban sa ilegal na droga na ikinasa nito.


Bunsod nito ay umaasa si Senator Recto na itutuwid ng Malacañang impormasyong hawak ngayon ng US at EU parliament ukol sa isyu ng Extra Judicial Killings (EJK).

Sa tingin ni Recto, mainam kung ipapadala ng Malacañang sa EU at Amerika ang hawak nitong data ukol sa war on drugs para itama ang maling impormasyong hawak ng mga ito.

Facebook Comments