WAR ON DRUGS | Kalahating milyong pisong halaga ng iligal na droga, nakumspika ng mga otoridad sa Cebu City

Cebu City – Nakumspika ng mga otoridad ang nasa kalahating milyong pisong halaga ng iligal na droga mula sa tatlong suspek matapos magkasa ng anti-illegal drugs operation sa dalawang barangay sa Cebu City.

Unang naaresto ang mag-inang sina Maribel Togino at Maribel Mancao sa Barangay Duljo-Fatima kung sana nakuha sa kanila ang 73 sachet ng shabu na may street value na P240,000.00.

Sunod na nasakote ang suspek na si Eston Taboada sa Barangay Tisa at nakuha mula sa kaniya ang ilang sachet ng shabu na P295,000.00 ang halaga.


Dinakip din ng mga pulis ang nasa 60 na tao na sangkot sa iba’t-ibang krimen sa nasabing mga barangay.
<#m_2802302942138297479_m_6391244057574383494_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments