WAR ON DRUGS | Kampanya kontra iligal na droga, muling ibinida ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Muling ibinida ni Pangulong Rodrigo Duterte sa oath
taking ceremony ng Mayor Rodrigo Roa Duterte National Executive
Coordinating Committee (MRRD-NECC) ang kaniyang kampaniya kontra droga.

Pero giit ni Duterte, kinokontra ito ng iba’t ibang grupo simula nang siya
ay maging Pangulo.

Binanatan rin ng Pangulo si International Criminal Court Prosecutor Fatou
Bensouda.


Wala aniyang basehan ang preliminary investigation ng ICC laban sa kaniya.

Sinabi naman ng Pangulo na umaasa siyang matatapos na ang problema sa mga
rebeldeng grupo sa susunod na taon lalo’t sumusuko na ang ibang miyembro ng
mga ito.

Kaya pupunta aniya siyang Mindanao para harapin ang mga sumukong miyembro
ng New People’s Army.

Facebook Comments