WAR ON DRUGS | Korean national, arestado sa iligal na droga sa Maynila

Sta. Ana, Maynila – Arestado ang isang Korean national sa isinagawang buy-bust operation sa Sta. Ana, Maynila.

Nakilala ang nadakip na suspek na si Sunghyun Kim, 25-anyos pansamantalang tumutuloy sa Altiva Cypress Tower, Taguig City.

Natimbog ang suspek sa New Panaderos Street sa Sta. Ana kung saan hindi na ito pumalag pa ng posasan ng mga pulis.


Nakumpiska sa suspek ang isang plastic nang pinatuyong dahon ng marijuana na umabot sa isang kilo at 3 hiwalay na sachet na may kabuuang timbang na 1.25 kilos o mahigit P35,000 ang street value.

Facebook Comments