Manila, Philippines – Inaasahan ng Philippine National Police (PNP) na magiging “less bloody” at “more transparent” ang kanilang kampanya kontra iligal na droga ngayong taong 2018.
Ayon kay PNP spokesperson Chief Supt. Dionardo Carlos, sisiguraduhin nilang mas magiging maayos ang kanilang proseso sa paghuli ng mga drug suspect sa bawat isasagawa nilang operasyon.
Sinabi pa ni Carlos na malaking tulong ang body cameras na ikakabit sa mga pulis para mapatunayang walang nangyayaring pagpatay sa mga suspek na sangkot sa iligal na droga.
Samantala, bago pa man mag bisperas ng Bagong Taon, tatlong araw matapos ang nangyaring shooting incident sa Mandaluyong, umapela si PNP Chief, Director General Ronald “Bato” Dela Rosa sa kanyang mga tauhan na siguraduhing ligtas ang publiko sa pamamagitan ng pagkamit ng zero death at mababang bilang ng mga masasaktan ngayong taon.