Manila, Philippines – Inutos ni Bureau of Correction Chief Ronald Dela Rosa ang lights off policy sa New Bilibid Prison (NBP).
Ito ay bilang bahagi ng kampaniya para masawata ang ilegal na droga sa bilangguan.
Ayon kay Dela Rosa, pagsapit ng alas-10 ng gabi ay dapat matulog na at bawal na ang pagala-galang preso.
Aniya, may mga bantay na mag-iikot sa bilangguan at sisita sa mga lalabag.
Naniniwala si Dela Rosa na sa ganitong paraan ay malilimitahan ang mga aktibidad at makakatipid pa sa kuryente ang Bilibid.
Sabi pa ni Dela Rosa, mula sa 50 percent noong Mayo ay bumaba na sa 20 percent ang problema sa droga sa NBP.
Facebook Comments