WAR ON DRUGS | Mahigit 4,000 na kaso ng pagpatay sa mga drug suspek, patuloy na iniimbestigahan ng PNP

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PNP Internal Affairs Service sa 4350 kaso ng pagpatay sa mga drug suspek.

Ito ang tiniyak ni PNP Spokesperson Sr. Supt. Benigno Durana sa harap ng patuloy na pagkwestyon ng ilang sektor sa pagkamatay ng ilang drug suspek sa mga nakalipas na drug operations.

Ayon kay Durana, na maliban sa PNP IAS tumutulong na rin ang Malacañang sa pagiimbestiga dahil aminado naman ang PNP na may paglabag sa police operational procedure ang ilang pulis katulad nang nangyari sa Caloocan kung saan nasawi ang ilang menor de edad.


Ang datos aniya na ito ay simula noong pumasok ang Duterte Administrasyon kung saan maigting na ipinatutupad ang Anti illegal drugs operations.

Kapag napatunayan naman ng PNP IAS na may mga pulis na nakagawa ng iregularidad sa pagkamatay ng mahigit apat na libong drug suspek tiyak aniyang mahaharap ang mga ito sa kaso at ang malala ay ikataggal nila sa serbisyo.

Facebook Comments