Mindanao – Iniimbestigahan na ng Philippine Drug Enforcement Agency Autonomous Region in Muslim Mindanao (PDEA-ARMM) ang nasakote nilang isang bigtime drug supplier sa rehiyon at sa kalapit na mga lugar.
Mismpong ang suspek na si Al-Jhmer Unding Jakilan ang umamin na galing sa bansang Malaysia ang ipinasok nitong iligal na droga na nasa 2.5-kgs at may halagang P12-million.
Nabatid na nag-o-operate ang suspek sa Maguindanao, Zamboanga City at sa ibang kalapit na mga lugar gaya ng North Cotabato bago nahuli ng mga otoridad.
Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na sa mga kaukulang ahensya ang PDEA upang makumpirma ang mga ibinunyag ng nasabing big time drug supplier.
Facebook Comments