WAR ON DRUGS | Mandaluyong Police Station nagsagawa ng random drug test sa kanilang mga tauhan

Manila, Philippines – Ikinatuwa ng Mandaluyong Police Station ang resulta ng isinagawa nilang random drug test sa PCP 3 base Mayflower Street Greenfield District Mandaluyong City.

Ito ay matapos na matuklasang negatibo ang lahat ng mga pulis na sumailalim sa random drug test.

Ayon kay Police Senior Inspector Villarta, kanila lamang sinusunod ang direktiba ni Chief, PNP Director General Oscar Albayalde na magkaroon ng Internal Cleansing Program, sa pamamagitan ng pagsasailalim ng surprise drug testing ang mga pulis sa PCP 3.


Paliwanag ni Villarta ang naturang hakbang ng Mandaluyong PNP upang patunayan na hindi gumagamit ng ilegal na droga ang mga pulis Mandaluyong kaya at nagkaroon sila ng surprise drug testing.

Facebook Comments