WAR ON DRUGS | Mas malalim na imbestigasyon sa iba pang kaso ng pagpatay na may kinalaman sa drug war, ipinanawagan

Nanawagan si Vice President Leni Robredo ng mas malalim na imbestigasyon sa iba pang kaso ng pagpatay na may kinalaman sa drug war ng administrasyon.

Sabi ni Robredo – dapat na maging simula ng isang malalim na imbestigasyon ang murder conviction sa tatlong pulis na pumatay kay Kian Delos Santos.

Ang hatol sa tatlong pulis ay patunay lang aniya na may malaking problemang kailangang ayusin sa kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga.


Giit pa ng bise presidente, hindi nararapat na tanggapin na lang ng publiko na lahat ng pinatay ay “nanlaban”.

Kailangan aniya na sundin ang itinatakda ng konstitusyon sa pagpapatupad ng ‘war on drugs’ para maprotektahan ang taumbayan laban sa pang-aabuso.

Ayon sa pulisya, mahigit 4,000 drug suspects ang nasawi sa anti-drug operations matapos na manlaban.

Facebook Comments