Manila, Philippines – Ipinagpaliban ng Department of Education (DepEd) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nakatakdang meeting nito kahapon para talakayin ang panukalang mandatory drug testing mula grade 4 pupils pataas.
Ayon kay DepEd Spokesperson, Undersecretary Nepomuceno Malaluan, gagawin na lamang ang meeting sa susunod na linggo.
Aniya, nagkasundo ang DepEd at PDEA na isama ang Dangerous Drugs Board (DDB) sa meeting nila.
May posibilidad ding mag-imbita mula sa hanay ng Philippine National Police (PNP) para na rin resolbahin ang isyu ng ‘surprise inspection’ sa mga locker ng mga estudyante bilang bahagi ng anti-drug campaign.
Facebook Comments