Manila, Philippines – Pinagsusumite ni Department of Interior and Local Government for Barangay Affairs Martin Diño nang drug watch list ang lahat ng Barangay Chairman sa bansa.
Ayon kay Diño, ang hindi sumunod ay mapapatawan ng parusa.
Bukod sa listahan ng mga drug user at pushers, nanghihingi rin si Diño ng listahan ng mga pinaghihinalaang kriminal sa bawat barangay.
Sabi ng bagong talagang opisyal, dapat manguna ang Barangay sa kampanya ng gobyerno kontra droga.
Facebook Comments