WAR ON DRUGS | Mga ebidensya na magpapatunay na sangkot sa droga si Cebu City Mayor Tomas Osmena, hindi pa hawak ng PNP

Manila, Philippines – Hindi pa nakakalap ng matibay na ebidensya ang Philippine National Police para mapatunayang sangkot sa operasyon ng iligal na droga si Cebu City Mayor Tomas Osmena.

Ayon kay PNP Chief Ronald Dela Rosa, si Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang nagsasabing may hawak na silang ebidensya laban sa alkalde.

Aniy,a naging batayan ng kalihim ang pahayag ng isang nagngangalang “Jumbo” na umanoy tauhan ng napatay na Cebu drug lord na si Jeffrey Jaguar Diaz.


Una nang inihayag ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino na wala sa talaan ng mga Narco Politicians si Mayor Osmena.

Taliwas naman ito sa pagdidiin ni Secretary Aguirre sa alkalde na dawit umano ito sa operasyon ng iligal na droga.

Facebook Comments