Manila, Philippines – Tukoy na ng Philippine National Police (PNP) ang ilang mga eskwelahan sa Metro Manila kung saan talamak ang bentahan ng iligal na droga.
Gayunman, tumanggi si PNP Chief Director General Oscar Albayalde na pangalanan ang mga eskwelahan na under surveillance na ng pulisya.
Ayon kay Albayalde, mahalaga na makapaglatag muna sila ng Memorandum of Agreement sa Department of Education (DepEd) para magsagawa ng surprise inspection sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa.
Una nang iminungkahi ni NCRPO Director Chief Superintendent Guillermo Eleazar ang pagsasagawa ng random inspection sa mga bag at locker ng mga estudyante kasunod ng ulat na posibleng ginagamit ng mga sindikato ang mga bata sa pagbebenta ng shabu.
Facebook Comments