WAR ON DRUGS | Mga estudyante ginagamit ng mga sindikato sa pagbebenta ng ilegal na droga – NCRPO

Manila, Philippines – Inihayag ni NCRPO Chief General Guillermo Eleazar na karamihan ng mga drug syndicates ay gumagamit ng mga estudyante sa kanilang pagbebenta ng mga ilegal na droga.

Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila Bay sinabi ni General Eleazar na hindi biro ang problema sa ilegal na droga dahil umaabot na sa 44 libong drugs suspek ang naaresto sa National Capital Region (NCR) at mahigit 200 libo na ang sumuko at sumailalim sa drug rehabilitation.

Paliwanag ni Eleazar na napakalaki na ang problema ng kinakaharap ng bansa sa ilegal na droga na dapat lutasin ng PNP sa pamamagitan ng pagpapalakas ng community base.


Giit ng heneral wala pa aniyang 50 percent na sinimulan ng PNP ang kanilang kampanya kontra ilega na droga pero marami na ang naaaresto sa kanilang mga operasyon.

Matatandaan na noong district director ng QCPD si Eleazar mayroong mga guro ang humihingi ng tulong sa pulisya dahil mayroong umanong mga estudyante na nagbebenta ng mahigit 20 sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana sa loob ng paaralan.

Panakula ni Eleazar sa mga guro na dapat ay magkaroon ng surprise visit sa mga locker ng mga estudyante para mabawasan ang mga gumagamit ng ilegal na droga sa loob ng mga paaralan.

Facebook Comments