WAR ON DRUGS | Mga hakbang ng PNP, pinare-review ni Senator Villanueva

Manila, Philippines – Umaasa si Senator Joel Villanueva na magkakaroon ngayon ng pagkakataon ang Philippine National Police o PNP na pag-aralan o magsagawa ng ebalwasyon sa ipinapatupad nitong proseso kaugnay sa war on drugs ng gobyerno.

Ang pahayag ni Villanueva ay kasunod ng atas ng Supreme Court sa PNP na magsumite ng report ukol sa mga napatay na mga drug suspects sa bansa.

Tiwala din si Villaueva na ang pasya ng Kataas Taasang Hukuman ay lalong magpapalakas sa rule of law sa bansa.


Giit naman ni Senator Gatchalian sa PNP, magsumite ng komprehensibong dokumentasyon sa Supreme Court kaugnay sa anti-drug campaign.

Para kay Gatchalian, makakatulong ito upang makita ng malinaw kung paano tumatakbo ang operasyon ng mga otoridad kaugnay kaugnay sa giyera kontra iligal na droga.

Facebook Comments