WAR ON DRUGS | MGA NUMERO KAUGNAY SA KAMPANYA KONTRA DROGA, INILABAS

Manila, Philippines – Umakyat na sa 4,251 ang mga drug suspect na napapatay sa halos dalawang taong war on drugs ng Administrasyong Duterte.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Camilo Cascolan, mayroon ding 142,069 drug suspects ang naaresto sa 98,799 na anti-drug operations na ikinasa mula July 1, 2016 hanggang April 30, 2018.

Paliwanag naman ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde, maataas ang bilang ng mga nasawi noong unang anim na buwan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pwesto dahil may grupong nakisawsaw sa kampaniya ng gobyerno.


Pumalo naman sa 2,676.60 kilos o katumbas ng halagang 13.31 billion Pesos ng shabu ang nasamsam.

Habang nasa 20.23 billion Pesos na halaga ng mga kemikal at gamit sa paggawa ng iligal na droga ang nadiskubre ng PNP.

Sa panig naman ng gobyerno, nasa 504 na mga tauhan ng pamahalaan ang naaresto dahil sa droga kung saan 239 ang mga government employees, 237 ang elected officials at 48 ang uniformed personnel.

Facebook Comments