WAR ON DRUGS | Napapatay, umabot na sa 207 mula ng muli itong buksan; Mga nahuli, nasa 19,000 na

Manila, Philippines – Umabot sa dalawang daan at pitong (207) pinaghihinalaang drug suspects ang napatay simula nang ibinalik ang anti-illegal drug campaign ng Philippine National Police nitong December 2017.

Base sa record ng PNP nitong Abril a-trese – nasa 19,086 ang naaresto sa 12,032 drug operations.

Mas mataas ito ng 6,901 na naaresto habang domuble naman ang bilang ng namatay ng aabot ng 89 nitong Marso.


Tumaas din mga natokhang at mga sumuko.

Una nang inihayag ni incoming PNP Chief Dir. Oscar Albayalde na ipagpapatuloy niya ang mga programang nasimulan ni outgoing PNP Chief Ronald Dela Rosa kabilang na ang Oplan Doble Barrel at Oplan Tokhang.

Facebook Comments