Manila, Philippines – Pumalo na sa mahigit limang libo ang napatay sa dalawang taong drug war ng Administrasyong Duterte.
Sa datos ng PNP at PDEA – mula July 1, 2016 hanggang November 30, 2018, umabot na sa 5,050 na mga drug personality ang nasawi habang nasa 164,265 ang naaresto.
Mula ito sa kabuuang 115,435 na anti-drug operations sa nasabing panahon.
Mayroong 9,503 na mga barangay naman ang idineklarang drug-cleared habang patuloy na tinututukan ang nasa 22,641 na iba pang mga barangay.
Base pa sa datos – 296 personnel mula sa mga law enforcement agency ang na-dismiss sa serbisyo dahil sa paggamit sa iligal na droga habang 142 din ang nasibak dahil sa iba pang drug-related offense.
Facebook Comments