WAR ON DRUGS | NCRPO, inirekomenda ang pagsasagawa ng inspeksyon sa locker at bag ng mga estudyante

Manila, Philippines – Inirekomenda ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pagsasagawa ng inspeksiyon sa mga bag at locker ng mga estudyante bilang bahagi ng kampaniya kontra ilegal na droga.

Ayon kay NCRPO Chief Superintendent Guillermo Eleazar, maraming sindikato ang gumagamit ng mga estudyante sa kanilang operasyon sa ilegal na droga.

Inihalimbawa ni Eleazar, noong panahong nanilbihan siya bilang hepe ng Quezon City Police, na may mga kaso ng mga estudyante na nagdadala ng droga sa paaralan.


Pagtitiyak naman ni Eleazar, makikipagtulungan ang PNP sa Department of Education o DepEd para mapigilan ang naturang problema.

Facebook Comments