War on drugs ng administrasyong Duterte, hindi epektibo ayon kay United Nations special rapporteur Agnes Callamard

Manila, Philippines – Nanindigan si United Nations special rapporteur Agnes Callamard na wala siyang balak mag-imbestiga o mangalap ng anumang ebidensya hinggil sa umano’y extra judicial killings sa bansa.

Ayon kay Callamard, personal siyang nagpunta sa bansa dahil naimbitahan siyang maging keynote speaker sa policy forum on drug issues na ginanap sa University of the Philippines-Diliman sa Quezon City.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Callamard na nagkasundo ang iba’t ibang bansa na tumahak sa isang balanse, multifaceted at multi-disciplinary approach na may pagpapahalaga sa kalusugan, karapatang pantao at hustisya.


Base kasi aniya sa mga pag-aaral, hindi epektibo ang war on drugs.

Giit pa ni Callamard, may mga kasunod na problema rin kapag may war on drugs, tulad ng extra judicial killings at vigilante crimes.

Binigyang diin pa nito na sa loob ng walong buwan niyang pagiging special rapporteur, masusi niyang binabantayan ang mga nangyayari sa Pilipinas.

At kasabay ng pagbisita sa bansa ni Callamard, may nag-edit sa kanyang Wikipedia entry.

Dito ay makikita na “highly paid consultant” umano si Callamard ng Liberal Party na ang hangad ay patalsikin ang isa sa mga pinakamagaling na Presidente ng bansa.

DZXL558

Facebook Comments