MANILA – Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya titigil sa giyera laban sa ilegal na droga hangga’t may nabubuhay pang pusher/user sa bansa.At kasabay ng kanyang talumpati sa ika-pitong anibersaryo ng federalismo alyansa ng Bicol, ipinakita ni Pangulong Duterte ang listahan niya ng mga personalidad na sangkot sa illegal drug trade.Pero sa kabila nito, inamin naman ni Pangulong Duterte na hindi niya kayang mag-isa ang labang ito.Kaya naman muli ring inulit ng pangulo ang kanyang utos sa Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police na huwag manghinayang na patayin ang sinumang pusher/user na manlalaban sa kanilang operasyon.Sinabi pa ni Pangulong Duterte na wala siyang pakialam kung ipakulong siya ng international criminal court dahil sa kanyang marahas na kampanya laban sa ilegal na droga.Aniya, balewala na rin sa kanya kung mabulok siya sa kulungan dahil matanda naman na siya.
War On Drugs Ng Pamahalaan, Hindi Susukuan Ni P-Duterte
Facebook Comments