WAR ON DRUGS | One-strike policy, ipatutupad ng DILG

Manila, Philippines – Nagbabala ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga tauhan nito na magpapatupad ng ‘one-strike’ policy laban sa mga opisyal at empleyado na nagpositibo sa ilegal na droga o nasangkot sa anumang kalakaran ng droga.

Ayon kay DILG acting Secretary Eduardo Año, pinapanatili ng ahensya ang safe at drug-free workplace.

Aniya, ang sinumang mapapatunayang nagkasala ay mahaharap sa grave misconduct at masisibak sa serbisyo sa unang paglabag.


Sakop ng polisiya ang lahat ng DILG local government sector officials at empleyado kabilang ang mga tauhan sa ilalim ng job order at contract of service status.

Sa ilalim ng polisiya, mananatiling requirement para sa mga appointive DILG officials at employees ang sumalialim sa periodic mandatory o kaya naman ay random drug testing.

Facebook Comments