Manila, Philippines – Humahanga ang international police sa ginagawang pagresolba ng Philippine National Police (PNP) sa problema sa iligal na droga sa bansa.
Ito ang naging pahayag ni PNP Chief Ronald Dela Rosa, kaugnay sa kanyang pagdalo sa INTERPOL Meeting sa Beijing, China nitong nakalipas na buong linggo.
Aniya, gusting-gustong gayahin ng iba mga police organization sa ibang bansa ang pamamaraan ng PNP sa pagsugpo sa iligal na droga partikular ang Oplan tokhang.
Pero inamin ng kanyang mga nakausap na mga pinuno rin ng pulisya na nahihirapan silang gayahin ang diskarte ng PNP.
Ipinagmalaki pa ni PNP Chief na itinuturing na bayani ng mga Chinese ang mga Pinoy na pulis na kanyang ikinatutuwa kumpara raw sa karamihan sa mga Pilipino na pangit ang imahe ng PNP batay na rin daw sa ulat ng local media.