WAR ON DRUGS | Oplan Tokhang, posibleng umarangkada na ngayong linggo

Manila, Philippines – Posibleng umarangkada na ngayong linggo ang ‘Oplan Tokhang’ ng PNP.

Ayon kay PNP Chief Ronald Dela Rosa, pinaplantsa na ng oversight committee ang guidelines para sa magiging operasyon ng mga pulis partikular ang pagkatok nila sa mga bahay at pagpapasuko sa mga hinihinalang drug user.

Tiniyak ng PNP Chief na walang magiging paglabag sa karapatang pangtao at magiging ‘transparent’ sila sa mga operasyon.


Hinihikayat din ng PNP ang media at mga human rights groups na sumama sa mga operasyon ng mga pulis.

Facebook Comments