Manila, Philippines – Ipinag-utos na ni PNP Chief Oscar Albayalde ang ‘recalibrated’ oplan tokhang.
Ibig sabihin, magkakaroon ng ilang pagbabago sa kampanya kontra ilegal na droga.
Ayon kay Albayalde, katumbas ito ng pagbuo ng oversight committee.
Sa huling datos ng PNP, nasa 1,656 pa ang nasa drugs watchlist habang 1.2 million na ang sumukong drug pusher at user.
Dagdag pa ni Albayalde, tututukan nila ang 893 ang high value targets.
Sisislipin din ng komite ang performance ng mga ground commanders.
Kasama rin sa recalibration ang internal cleansing sa kanilang hanay.
Nanawagan din si Albayalde sa mga kritiko na huwag na puro puna at sa halip ay tulungan sila.
Facebook Comments