Manila, Philippines – Umaasa ang palasyo ng Malacanang na hindi magiging kontrobersiyal gaya ng dati ang binuhay na Oplan Tokhang ng Philippine National Police o PNP.
Ngayon araw kasi ang unang araw ng pagbuhay ng PNP sa Oplan Tokhang na inulan ng batikos dahil sa dami ng napatay na drug pushers at users kabilang na umano ang ilang inosenteng sibilyan.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, sana ay hindi na magiging issue o kontrobersyal ang pagbuhay sa tokhang,
Paliwanag ni Roque, kung magiging kontrobersyal nanaman ang Oplan Tokhang ay matatabunan nito ang magagandang resulta nito at mababahiran ang tunay nitong pakay na labanan ang iligal na droga sa bansa.
Matatandaang sinabi ni PNP Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa na naniniwala siya na magiging malinis ngayon ang operasyon ng PNP sa paglaban sa iligal na droga.