Manila, Philippines – Muling ikakasa ng Philippine National Police ang Oplan Tokhang ngayong buwan.
Ayon kay PNP Chief Ronald Dela Rosa, nagbigay na siya ng pahintulot sa mga lider ng pulisya sa buong bansa na nitong lunes ay ilunsad na muli ang Oplan Tokhang.
Aniya sa ngayon, hinihintay na lang na matapos ang gagawing pagpupulong ng mga miyembro ng PNP oversight committee na naatasang magtiyak kung tama ang ipatutupad na tokhang.
Iginiit naman ni General Bato na hindi magiging madugo ang ilulunsad nilang tokhang lalo’t bloodless naman raw talaga ang konsepto nito.
Katok at pakiusap lang naman kasi anya ang ginagawa dapat sa tokhang at walang hulihan na nagaganap kung wala namang naaktuhang gumagawa ng iligal.
Sa pagkakataong iginiit ni Dela Rosa na nila hahayaan na malusutan muli ng mga tiwaling pulis na nanghihingi ng pera sa mga drug personalities habang nagbabahay bahay para matanggal ang pangalan sa drug watch list.