WAR ON DRUGS | Paghabol sa supplier ng droga at hindi drug test sa mga batang mag-aaral, mas dapat tutukan ng mga otoridad

Manila, Philippines – Iginiit ni Senador Koko Pimentel sa mga otoridad na mas tutukan ang paghabol sa mga sindikatong supplier at nagluluto ng ilegal na droga sa bansa sa halip na buhusan ng panahon ang pagsasailalim sa drug test ng mga mag-aaral mula grade 4 na halos sampung taong gulang pa lamang.

Diin ni Pimentel mas magiging epektibo ang gyera kontra ilegal na droga kung mapipigilan ang importasyon, paggawa at distribusyon nito sa buong bansa.

Punto ni Pimentel, bumabaha ang droga sa bawat komunidad sa bansa kaya maging ang mga estudyante na walang pang sweldo at mga mahihirap ay nakakabili at nakakagamit nito.


Ipinaliwanag ni Pimentel, na makakamit lang ang layunin na gawing drug free ang Pilipinas kung tama ang hakbang ng mga otoridad.

Ayon kay Pimentel, dapat itong simulan sa pag-atake sa mga grupo at malalaking personalidad na nasa likod ng operasyon ng ilegal na droga sa bansa.

Facebook Comments