Manila, Philippines – Walang nakikitang problema ang Commission on Human Rights sa pagtulong ng Armed Forces of the Philippines sa PDEA at PNP sa pagpapatuloy ng war on drugs sa bansa.
Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jackie De Guia, dapat lamang tiyakin ng gobyerno na hindi lalampas sa aspeto ng intelligence gathering ang magiging papel ng AFP.
Bukod aniya sa pagsunod sa nakasaad sa rules on engagement ng PNP, support role lamang ang maaring gampanan dito ng AFP.
Nangangamba ang CHR sa posibilidad na maaring malabag ang karapatang-pantao kapag pumasok sa actual operation ang sandatahang lakas ng Pilipinas.
Matatandaang ilang beses nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na gagamitin niya ang pwersa ng AFP makamit lamang ang layuning tuldukan ang ilegal na droga sa bansa.