Manila, Philippines – Pabor ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi pa tapos ang laban sa ilegal na droga.
Ayon kay MPD Spokesman Police Superintendent Carlo Manuel mahigit 50 libo ang mga sumusuko na gunagamit ng ilegal na droga simula noong July 2016 hanggang sa kasalukuyan kaya at pinaigting pa nila ang kanilang kampanya kontra sa mga gumagamit ng ilegal na droga.
Paliwanag pa ni Superintendent Manuel sa 896 na Barangay 93 rito ay high value target at 8 ang barangay drug free kabilang ang barangay 663-a at 202-a pero isa lamang ang drug rehabilitation center ang manila treatment and rehabilitation center.
Giit ni Manuel mas pinaigting pa nila ang mga clearing operation sa mga barangay at nais nilang gampanan ng mga barangay opisyal ang tungkulin sa paglilinis ng kani-kanilang barangay bilang chairman ng Barangay Anti Drug Abuse Council o BADAC.
Umaapela si Superintendent Manuel sa publiko at mga pribadong organisasyon na makipagtulungan sa kanila laban sa kampanya kontra sa ilegal na droga.