Manila, Philippines – Hinamon ni Dangerous Drugs Committee Chairman Robert Barbers ang Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) na palakasin pa ang koordinasyon nito sa mga international agencies ng mga kalapit na bansa.
Ito ay para tuluyang masawata ang droga sa Pilipinas kasunod ng raid na ginawa sa mga natuklasang drug laboratories sa Batangas at Malabon na ikinahuli ng apat na Chinese at tatlong iba pa.
Giit ni Barbers, isa nang “global problem” ang iligal na droga na dapat mapigilan bago pa man sana makapasok sa borders ng bansa.
Paliwanag ng kongresista, kung mapapalakas ang koordinasyon sa mga international agencies ay tiyak na marami pa ang mahuhuling dayuhan na sangkot sa iligal na droga.
Paalala ni Barbers, magkakatuwang sa ganitong responsibilidad ang mga bansa lalo na sa Asya para tuluyang masawata ang iligal na droga.