
Manila, Philippines – Makikipagpulong si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga top security officials sa Miyerkules, June 13 para sa isang command conference na layong tutukan ang pagresolba ng kriminalidad sa bansa.
Ayon kay Duterte, ipapatawag niya ang mga local government officials para alamin kung mayroong mga lugar na may critical security concerns tulad ng ilegal na droga.
Nais ng Punong Ehekutibo na masagot siya ng mga opisyal ng Local Government Units (LGUs) tungkol sa sitwasyon ng kriminalidad at ilegal na droga sa kanilang nasasakupan.
Inaasahan ding tatalakayin ang re-organization ng 190,000-strong police force.
Facebook Comments









