Manila, Philippines – Kumpirmadong napasok na naman ng panibagong international drug syndicate ang Pilipinas.
Sa interview ng RMN Manila kay Philippine Drug Enforcement Agency Director General Aaron Aquino – kinumpirma niya na nakapasok na din sa bansa ang internationa drug syndicate na “Golden Triangle” na nag-ooperate sa Myanmar, Thailand at Laos.
Kasunod na rin ito ng pagsalakay ng PDEA sa shabu laboratory ng “Dragon Wu Drug Syndicate” sa Barangay Sto. Niño sa Ibaan, Batangas, kahapon.
Ayon kay Aquino – ang “Golden Triangle” ay kunektado sa “Dragon Wu Drug Syndicate”.
Sa pagsalakay kahapon ng PDEA, narekober ang 50 litro ng kemikal na ginagamit sa paggawa ng shabu na kayang mag-produce ng 25-kilo ng shabu kada araw na nagkakahalaga ng 125 million pesos.
Una ding kinumpirma sa RMN Manila ni Aquino ang ginawa nilang pagsalakay sa shabu laboratory sa Barangay Tinajeros, Malabon City kaninang umaga lang.
Ayon sa opisyal, ang nasabing shabu lab ay kunektado sa sinalakay rin ng PDEA na laboratoryo sa Ibaan, Batangas.
Dalawang katao ang dinakip sa nasabing operasyon kabilang ang isang Pinoy at isang Chinese looking na lalaki na kapwa may edad na.