Manila, Philippines – Magtatatag na ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng mga opisina sa labintatlong pangunahing pantalan sa bansa para bantayan ang drug smuggling.
Sa isang seremonya, pumirma ng Memorandum of Agreement ang PDEA at Philippines Port Authority para palakasin ang pagtutulungan para sa joint investigation laban sa paggamit sa mga pantalan na bagsakan ng malalaking volume ng illegal drugs at controlled chemicals.
Pangunahing tungkulin ng PDEA na maglatag ng strategic surveillance and monitoring system para i-detect ang shipment ng illegal drugs at controlled chemical.
Pitumpung porsyento ng populasyon ng bansa ay naninirahan sa coastline na posibleng maging market sakaling maipuslit ang mga drug related na kargamento.
Facebook Comments