WAR ON DRUGS | PDEA, umapela sa publiko na suportahan ang Oplan Tokhang

Manila, Philippines – Nanawagan sa publiko ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na suportahan ang Oplan Tokhang na ipinatutupad ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PDEA Director at Spokesperson Derrick Carreon, dapat magtulungan ang lahat ng sektor dahil mas maganda na ang layunin ng Oplan Tokhang alinsunod sa bagong polisiya at guidelines na binalangkas ng PNP.

Bagamat nilinaw ni Carreon na hindi sila kasama sa Oplan Tokhang at koordinasyon lang, nakatutok naman ang PDEA sa Anti-Illegal Drugs Operations.


Aniya kung ang ginagawa ng PNP sa kanilang kampanya ay mula alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon at ipinagbawal ang Sabado at Linggo, sa panig naman ng PDEA ay walang oras kung isasagawa ang Anti-Illegal Drugs Operation.

Dagdag pa ni Carreon, sa estilo ng operasyon ng PNP ngayon, mawawala na sa agam-agam ng publiko na maabuso ang Oplan Tokhang.

Facebook Comments