WAR ON DRUGS | Planong muling pagbabalik ng Oplan Tokhang sa bansa, alam ng PDEA – PNP Chief

Manila, Philippines – Nililinaw ni PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa na lahat ng kanilang operasyon may kinalaman sa iligal na droga ay dumadaan o aprubado ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.

Reaksyon ito ni General Bato matapos ang naging pahayag ni Malacanang Spokesperson Harry Roque na kinakailangan muna ng PNP ng approval ng PDEA bago muling simula ang Oplan Tokhang bansa.

Sa kasalukuyan ang PDEA ang lead agency sa pagsasagawa ng mga Anti-illegal Drugs Operation ng pamahalaan batay na rin sa utos ng Pangulong Rodrigo Duterte.


Sinabi naman ni Police Deputy Chief for Operations Deputy Director General Fernando Mendez Jr., na hindi na aabutin ng buwan at matatapos ang guidelines sa sa muling pagpapatupad ng Oplan Tokhang.
Una nang sinabi ni PNP Chief Dela Rosa na ngayong buwan ay posible nang simulang muli ang Oplan Tokhang.

Facebook Comments