WAR ON DRUGS | PNP, aminadong hindi pa nangangalahati ang gobyerno sa pagresolba ng ilegal na droga sa bansa

Manila, Philippines – Aminado si Philippine National Police Chief Director General Oscar Albayalde na hindi pa nangangalahati ang gobyerno sa pagresolba sa illegal drugs sa bansa.

Ayon kay Albayalde, matatagal pa bago nila matapos ang problema sa droga pero makakasa aniya ang publiko na hindi sila titigil.

Sa katunayan aniya araw-araw ay nakakahuli sila ng sangkot sa droga kaya kahit papaano ay nababawasan ang mga gumagawa ng ilegal.


Kasabay nito, itinanggi rin ni Albayalde na tanging mga small drug personality lang ang kanilang nahuhuli

Tiniyak naman ni Albayalde na hindi mare-recycle ang mga nakukumpiskang mga droga at mananagot rin ang mga pulis na sangkot rito.

Facebook Comments